Hindi ako makapaniwala na ako'y nakapagsulat ng tatlong pahinang liham gamit ang lenggwaheng hindi ko naman kadalubhasan. Oo. Sumu...

Liham

0 Comments

Hindi ako makapaniwala na ako'y nakapagsulat ng tatlong pahinang liham gamit ang lenggwaheng hindi ko naman kadalubhasan. Oo. Sumulat ako ng liham para sa iyo, kahit alam ko namang hindi mo ako mapapansin- na isasantabi mo lang ang pagmamahal na matagal ko ng inilaan para sa iyo. Ganoon kita kamahal. Handa akonh igugol ang lahat ng oras ko sa iyo. Handa akong magsulat ng tatlong pahinang liham araw-araw gamit lamang ang pluma at ang dalawa kong kamay.

Alam kong grabe na itong ginagawa ko ngayon, pero sa tingin ko at malakas ang kutob ko na ang lahat ng ito ay ang simula lamang ng ating paglalakbay. Alam kong ito lang ang pundasyon ng ating pahmamahalan. Alam kong ito ay magbibigay kasiyahan sa ating dalawa na hindi kailanman maibibigay ng ginto at pilak.

Kaya isa lang ang masasabi ko, handa akong gawin ang lahat para sa iyo.


*Ang blog post na ito ay produkto ng pagbabasa ko ng mga nobela at panonood ko ng telebisyon. Isinulat ko ito sa POV ng mga tauhan sa nobela o telebisyon.


You may also like

No comments:

All Rights Reserved. © Anya Soriño 2016. Powered by Blogger.