(Pagpasensyahan niyo na po ako. Sadyang konyo lang talaga ako magpost sa social media kaya't naisipan ko na ipost itong JOURNey ko) Hi...

My Journey as a Campus Journalist (TagLish)

0 Comments
(Pagpasensyahan niyo na po ako. Sadyang konyo lang talaga ako magpost sa social media kaya't naisipan ko na ipost itong JOURNey ko)

Hi! Isang JOURNey nanaman ang mababasa ninyo. So, start naaaa.

I started my journey as a campus journalist back when I was in 4th grade. I am not like some of you na pinilit or ni-recruit ng adviser na magpascreening kasi I've always wanted to join the school publication at makapublish ng article sa diyaryo. Nakwento na ng mama ko dati na may writing competitions na nagaganap yearly at siya mismo nung time niya ay isang news writer sa school paper and national qualifier din kaso wala silang pera that time eh kaya hindi siya napadala sa manila.

Anyway, nung grade 4, kakaunti lang ang nag-apply as staff, kaya sigurado na may spot ka talaga as contestant sa DS. Kaya naman nasali ako sa Radio Broadcasting-English and 2nd Place kami noon. Okay lang naman yun sa akin kasi sabi naman ng teacher ko ay isasabak niya ako as a news writer the following year.

Grade 5. SY 2013-2014. Saklap nung una. Di binigay sa akin ang position as news writer. Ang binigay noon ay Copyreading and Headline Writing. Tbh, hindi na ako motivated kasi in the first place, hindi ko maintindihan yung ginagawa dun lalo na yung count sa headline at yung symbols. I was willing to give up sa journ life ko.

Little did I know that God had a better plan for me. That year, nagdebut ang Science and Health Writing. Hindi alam ng SPA ko na may ganoon pala na contest, kaya sinabihan niya ako around 30 minutes bago ako pumunta sa copyreading contest room kasi right after copyreading, scihealth na ang mag-occupy ng room.

Nashock nga ako dahil sa DS ay nakapag 10th place pa ako sa copyreading. Nagstart na akong umiyak dahil ako yung may pinakamababang place sa lahat ng participants from my school. Then, WOWWOWOWOWOWOWOWOWOWOWOWOWOW NAKA2ND PLACE AKO SA SCIENCE WRITING. Grabe. Wala akong kaalam alam sa Science Writing noon ha.

So, nag RSPC na. Nakapag third place ako, so pasok sa NSPC sa Subic. Ang saya ko kasi makakapunta ako ulit sa Subic, kasama ko pa ang best friend ko at siyempre dahil parang natupad ko na din yung isang pangarap rin noon ng mama ko.

Nung NSPC, may Concurrent Session noon na hinost ng SciDev.Net na about sa Science Writing. Siyempre, sumali ako dahil open to all naman eh, mapa elem, hs o SPA ka man. Naexcite ako doon ha kaya nung contest proper, lutang na ako.

Then, nag-awarding na. Ang pinakaunang inannounce ay yung sa SciDev na concurrent. Bale, wala pang kahit isang journalist ang tinawag o umakyat sa stage. Then, biglang inannounce "Third Place..blah blah... Mariela Anya Soriño" WOWOWOWOWOOWOWOWOW. Ang saya ko talaga kasi nakaakyat pa ako ng stage at nakakuha ng medal na napakalaki. Yun yung pinakaspecial na medal ko na nakuha.
(Sa mismong contest, sawi ako ha)

Grade 6 SY 2014-2015. Sa DSPC, nakapag1st place ako. Sa RSPC, still, 3rd place, and sa NSPC, no place. Okay lang naman yun sa lahat ng umaasa sa akin kasi it was kind of a year of drought for our division kasi konti lang ang taga Gensan na nakapagNS noon.

Grade 7 SY 2015-2016. Ito, unexpected ulit. Ang goal ko lang kasi ay makapasok as school paper staff. Yun lang. Period. Then, bigla akong pinili na kumatawan sa school namin at hindi yung mga higher year. So, happy ako. Nagtuloy-tuloy naman ang swerte at nakapag 1st place sa DSPC. No place sa RS, and okay lang naman.

Grade 8 SY 2016-2017. Everybody expected a lot from me during the DSPC. I also expected that I would at least make it to the top 3 and compete in the RSPC. Then, amazing. 4th place. No RSPC experience this year. Lahat ng winners ay Grade 10 and SHS at lucky na ako na makapag fourth since young pa ako compared sa kanila.

Currently, I am in a stage of "landslide". Hindi in a good way, but in a kind of bad situation. Kasi as time passes by, pababa ng pababa ang rank na nakukuha ko sa press con. Sige lang. Kaya ko to because I know that He has planned a brighter future for me at hindi naman pwede na puro panalo lang ang makukuha ko. I am just a mere human being after all and my fate depends upon Him. Kung para sa akin nga talaga ang achievements, para sa akin talaga


You may also like

No comments:

All Rights Reserved. © Anya Soriño 2016. Powered by Blogger.