Alam kong ako'y napakabata pa upang talakayin ang paksang ito, ngunit gusto ko lamang ibahagi ang aking pananaw tungkol dito sa murang e...

Sino ba ang dapat na humingi ng kamay sa kasalan, ang babae o lalaki?

0 Comments
Alam kong ako'y napakabata pa upang talakayin ang paksang ito, ngunit gusto ko lamang ibahagi ang aking pananaw tungkol dito sa murang edad. Maaaring magiging iba ang aking opinyon dito sa aking pagtanda, kaya't gusto ko ng ibagagi ito ngayon upang aking balikan kapag ako'y nasa tamang edad na.

Ating nakagisnan na ang mga kalalakihan ang humihingi ng kamay para sa isang kasalan. Ngunit, sa tingin ko, ito ay isang pagkakamali. Ayon sa Connecticut University, 15 porsyento ng mga lalaki ay hindi seryoso sa isang relasyon at walang planl na pakasalan ang karelasyon.

At ngayon, kaming mga kababaihan ang inaakusahan na nang-iiwan at unang bumibitawsa isabg relasyon. Ngunit, sa katunayan, ito ay ang kabaliktaran.

Paano ba malalaman ng mga kababaihan na ang kanilang minamahal ay mahal sila nang wagas at hindi iiwan at ang relasyon ay kasalan ang kahahatungan?

Ito ay sa pamamagitan ng isang simpleng katanungan.

"Ako ba'y iyong mahal at maaari ko banh kunin ang iyong kamay para sa isang kasalan?"

Ang mga kababaihan ang dapaf na humingi ng kamay para sa isang kasalan dahil dito malalaman kung seryoso ba ang ngs kalalakihan na sila'y hindi iiwan at mamahalin magpakailanman.


You may also like

No comments:

All Rights Reserved. © Anya Soriño 2016. Powered by Blogger.